Sinasabing itinanim ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang improvised explosive device (IED) sa bahagi ng Barangay Anas.
Sumabog ang IED habang nagbibisikleta ang football player ng Malaya Football Club at Far Eastern University (FEU) na si Kieth Absalon, 21-anyos, at kaniyang pinsan na si Nolven Absalon.
Mariing kinondena ng CHR ang naturang insidente at iginiit na ang paggamit ng anti-personnel landmine ay paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).
“We stress that even non-State actors, such as the NPA, are bound to respect IHL, alongside the government,” pahayag ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia.
Sa North Cotabato, nag-iimbestiga rin ang CHR Region XII sa pagsunog naman ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Bialong sa M’lang.
Napaulat na tatlong pasahero ang nasawi habang anim ang nasugatan.
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo sa insidente.
Ani de Duia, “In both instances, it is reprehensible that innocent lives continue to be taken because of senseless terroristic acts.”
Nakiramay ang CHR sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng mga biktima.
Sinabi ni de Guia na kailangang magtulungan ng mga ahensya ng gobyerno upang maaresto ang mga responsable sa krimen.
“We stress that the government, in particular, bears the obligation to protect the rights of all, as well as pursue justice for the aggrieved,” saad ni de Guia at dagdag pa nito, “Concrete steps must also be done to stop further hostilities and to reduce violence in order to prevent further loss of lives and other forms of violations of rights.”