Mga indibiduwal na kabilang sa A4 priority group, pwede nang mabakunahan sa Caloocan

Simula sa araw ng Lunes, June 7, binuksan na ng Caloocan City government ang pagbabakuna sa mga indibiduwal na kabilang sa A4 priority group.

Base sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), kabilang sa A4 priority group ang mga sumusunod:
– Mga manggagawa sa pribadong sektor na pisikal na pinapasok
– Mga kawani ng ahensya ng gobyerno, kabilang din ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) at local government unit (LGU).
– Mga informal sector, private households at self-employed workers na kailangang lumabas ng bahay para sa trabaho.

Hinikayat ni Mayor Oscar Malapitan ang mga kabilang sa naturang priority group na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Kailangan lamang dalhin sa pagpunta sa vaccination site ay valid ID, kasama rin ang company ID kung mayroon; sariling ballpen; at face mask at face shield.

“Basta’t nakapag-profiling at kabilang na sa priority group na A1, A2, A3 at A4 ay maaari nang magtungo sa ating mga vaccination site na bukas ngayong araw mula 8am hanggang 4pm. Hindi na kailangan pang maghintay ng text message para sa schedule o appointment,” paalala ng LGU.

Para naman sa profiling o pre-registration, maaaring makipag-ugnayan sa barangay health center o bisitahin ang link na ito: bit.ly/profilingcalv2

Patuloy na hinihikayat ni Mayor Oscar Malapitan ang mga kabilang sa naturang priority group na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Read more...