Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (June 7), pumalo na sa 1,276,004 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 58,854 o 4.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,539 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.4 porsyento ang asymptomatic; 1.16 porsyento ang moderate; 1.7 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 71 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 21,969 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,969 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,195,181 o 93.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.