Sinasabing isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa bahagi ng Barangay Anas na naging dahilan ng pagpanaw ng football player ng Malaya Football Club at Far Eastern University (FEU) na si Kieth Absalon, 21-anyos, at kaniyang pinsan.
“Again, lives were lost because of the hostile acts of this communist terrorist group. Iyong isa sa mga inosenteng sibilyan na naging biktima ng pagsabog, si Keith Absalon, malayo pa sana ang mararating kungdi dahil sa mga teroristang NPA,” pahayag ni Eleazar.
“Mariin naming kinokondena ang pambibiktima ng NPA sa mga inosenteng sibilyan at hindi kami titigil sa pagtugis sa mga teroristang ito,” dagdag nito.
Nagparating ng pakikiramay si Eleazar sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.
Samantala, pinahigpitan ng hepe ng PNP sa lokal na pulisya ang police visibility sa lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
“I am directing all police personnel, particularly in NPA-infested areas, to be on high alert and undertake target hardening measures for possible future attacks by these communist terrorists,” saad ni Eleazar.
Nagbaba rin ng direktiba ang PNP Chief sa lokal na pulisya na makipag-ugnayan sa militar para sa ilulunsad ng manhunt operations laban sa mga suspek.
“Hindi po kami titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga inosenteng nasawi at nasugatan sa pagsabog na ito,” pagtitiyak pa nito.