Budget para sa student allowance ng PLM students, pirmado na

Pirmado na ang pondo para sa student allowance ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Pinirmahan ang naturang pondo nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, araw ng Lunes, June 7.

Nasa kabuuang P20,976,000 ang ilalabas na pondo.

Bawat estudyante ng PLM ay makakatanggap ng P3,000.

Nakalaan ito para sa buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Read more...