NCR at ilan pang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Metro Manila at ilan pang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:29 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Bataan, at Batangas.

Maaapektuhan din ang Bamban at Capas sa Tarlac; Candelaria, Masinloc, Botolan at Cabangan sa Zambales; Palayan, Generwl Mamerto Natividad sa Nueva Ecija.

Uulanin din ang Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Dasmariñas at Carmona, Cavite; Biñan at Victoria, Laguna; Mulanay at San Narciso sa Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...