Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang 6:00, Linggo ng gabi (June 6, 2021), nasa kabuuang 5,965,651 na ang nabakunahan laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 4,421,319 ang nabigyan ng first dose habang 1,544,332 ang naturukan ng second dose.
Nasa 112,621 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
MOST READ
LATEST STORIES