Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (June 7), 24,950 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,812 ang aktibo pang kaso.
102 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 23,069 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 69 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES