Pumalo na sa 174.05 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 174,053,537 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,210,782 cases.
Sumunod na rito ang India na may 28,909,975 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 16,947,062 naman ang kaso sa Brazil habang 5,712,753 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,287,980
– Russia – 5,126,437
– United Kingdom – 4,516,892
– Italy – 4,232,428
– Argentina – 3,955,439
– Germany – 3,708,779
– Spain – 3,697,987
– Colombia – 3,571,067
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,744,037 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 157,330,584 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.