Public transport sa bansa, napapabayaan na ayon kay Sen. Bongbong Marcos

Photo Relase
Photo Relase

Naniniwala si vice presidential candidate Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na napabayaan ng pamahalaang Aquino ng anim na taon ang public transport ng bansa.

Dahil dito naniniwala ang senador na kailangan na i-rationalize ang transport system sa bansa, upang makapag-provide ng maayos na mga patakaran para sa mga public transport workers.

Hinikayat pa ni Marcos ang mga transport sector na panatilihin ang pagkakaisa upang maisulong ang pagbabago sa transport system ng Pilipinas.

Ang pahayag ni Marcos ay kanyang binitiwan matapos na suportahan ng may 3 milyong miyembro ng iba’t ibang malalaking grupong pang transportasyon ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

Kabilang sa mga nagpaabot ng suporta ang kanilang mga pangulo na sina Orlando Marquez, Presidente ng LTOP, Roberto Martin, Presidente ng Pasang Masda, Zenaida Maranan, Fejodap National President, Alex Yague, National President ng PBOA, Lino Marable, National President ng UV Express at Roberto Galisem, Presidente ng TODA Metro Manila.

Ayon kay Martin tanging si Marcos lamang ang nagbigay ng mga magagandang proyekto sa bansa na hanggang sa ngayon ay napapakinabangan pa.

Read more...