Poe, nanguna sa isinagawang truth survey ng Simbahang Katolika

Poe Survey
Kuha ni Erwin Aguilon

Nanguna si Sen. Grace Poe sa truth survey na isinagawa ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng Simbahang Katolika para sa mga kandidatong pangulo.

Ayon kay Father Anton Pascual, pangulo ng Radyo Veritas, ibinatay nila ang nationwide survey sa persepsyon ng mga botante batay sa tinawag nilang servant quality ng mga kandidato.

Kabilang na rito ang usapin kung may kakayahang makinig ang kandidato, may kakayahang makiramay sa taongbayan, may kaalaman at karanasan, may kakayahang manghikayat sa pagpapatupd ng proyekto sa pamayanan, may malinaw at kongkretong programa, may pangarap para sa bayan, hindi ganid sa kapangyarihan, may kakayahang pangalagaan ang kaban ng bayan, at may kakayahang pagsama-samahin ang mga institusyon ng lipunan.

Si Poe ay nakakuha ng 59 percent at pumapangalawa si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may over all percentage points na 51 percent.

Tie sa ikatlong pwesto sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party standard bearer Mar Roxas na kapwa nakakuha ng 44%.

Kuha ni Erwin Aguilon

Pang apat naman Si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 41 percent.

Ang Veritas truth survey ay isinagawa ng Radyo Veritas Research Department sa 1,200 respondents mula sa urban at rural areas sa buong bansa na may plus or minus 3% margin of error.

Nilinaw naman ni Bishop Broderick Pabillo na ang resulta ng survey ay hindi pag-eendorso ng simbahan kundi tulong sa mga botante na makapamili ng kanilang iboboto sa Mayo 9.

Read more...