Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na pag-aralan ang pagpapaluwag ng COVID 19 requirements sa foreign at local tourists na kumpleto na ang bakuna laban sa 2019 coronavirus.
Naniniwala ang senador sa ganitong paraan ay mapapasigla muli ang ekonomiya ng bansa.
“If we’re easing travel restrictions on fully vaccinated Filipinos returning from trips abroad, I don’t see any reason why we should exclude those fully vaccinated foreign and local tourists as they are similarly situated. Besides, there’s more to gain economically speaking as it will bring back the workers in the tourism sector,” paliwanag ni Gatchalian.
Inanunsiyo ng IATF at DOH noong nakaraang Linggo na ang mga fully vaccinated Filipinos na lalabas ng Pilipinas ay sasailalim na lang sa seven-day quarantine pagbalik nila ng bansa.
Kinakailangan lang na ipakita nila ang kanilang vaccination card at sasailalim sila sa swab test kung magkakaroon sila ng sintomas ng COVID 19.
“Ang unti-unting pagluluwag sa travel restrictions ay isa ring paraan para ma-address ang isyu ng vaccine hesitancy sa ating bansa. Marami sa atin ang gusto nang makapamasyal, pero kung napagtanto nila na maaari nilang magawa ito kung nabakunahan na sila, tiyak na dadami ang bilang ng mga pupunta sa mga vaccination centers,” sabi pa ng senador