Mahigit 1,000 binhing kawayan itinanim sa kabundukan ng Rizal

Pinangunahan ni Rizal Rep. Juan Fidel Nograles ang pagtatanim ng mga binhing kawayan sa bulubunduking bahagi ng Montalban, Rizal.

Ito ang third leg ng aktibidad na tinawag na “Save Our Forests Now” na dinaluhan ng 1,000 kabataan mula sa Montalban, Rizal.

Mahigit 1,000 bamboo saplings naman ang naitanim sa tabi ng ilog at bundok sa Wawa ng Barangay San Rafael ng nasabing bayan.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Nograles ang mga kabataan na manguna sa pagbibigay solusyon sa environmental issues tulad ng pagbaha at re-greening.

Naniniwala si Nograles na dapat manguna ang mga kabataan sa re-greening movement lalo’t ang henerasyon ngayon ang siyang makikinabang at magmamana sa kapaligiran at kalikasan sa hinaharap.

Naalarma si Nograles dahil lumalabas sa mga survey na hindi itinuturing na “urgent concern” ng mga kababayan ang usapin sa kalikasan.

Binigyang diin ng kongresista na dahil sa pananalasa ng mga bagyo, pagtaas ng tubig sa mga coastal towns, at iba’t ibang banta sa ecosystem ay nararapat lamang na iprayoridad na ngayon ang usapin sa environment at climate change sa bansa.

“But it is clear that with the supertyphoons that constantly pummel us, the rising waters around our coastal towns, and the various threats to our ecosystems, that the environment and climate change should be one of our nation’s top priorities,” pahayag ni Nograles.

Target naman sa 4th leg ng activity ang simultaneous planting o sabay – sabay na pagtatanim sa distrito at inaasahang magiging hudyat ito ng paglaki at pagkakaroon ng pambansang kilusan ng mga kabataang eco-warriors.

Read more...