Magnitude 5.8 na lindol yumanig sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 11:20, umaga ng Linggo.

Nasukat ang lindol sa layong 72 km Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim ito na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity III ng lindol sa mga bayan ng Dapa at General Luna, Surigao del Norte.

Instrumental Intesity II ang naitala sa Surigao City, Surigao del Norte; Abuyog at Palo sa Leyte.

Wala namang pinsala na naiulat dahil sa nasabing lindol.

 

Read more...