Nasa bansa na ang karagdagang isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac Biotech na Coronavac.
Pasado 7am, araw ng Linggo lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang Cebu Pacific flight 5J 671 lulan ang mga bakuna galing China.
Personal na sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga bakuna.
Kaagad ding dinala ang mga dumating na bakuna sa storage facility sa Marikina City.
Nauna nang sinabi ni Galvez na bukod sa nasabing doses ng bakuna ng Sinovac darating din sa bansa sa June 10 ang mahigit dalawang milyong bakuna ng Pfizer.
Inaasahan din ang pagdating ng second trance mula sa 4.5 milyong binili ng pamahalaan na Sinovac at mahigit dalawang milyong doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.