Magnitude 4.8 na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 4:28 ng madaling-araw ng Linggo.

Nasukat ang lindol sa layong 56 km Hilagang-Silangan ng bayan ng Saranggani.

May lalim ito na 22 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity III sa Bislig City.

Wala namang pinsala na naiulat dahil sa nasabing lindol.

 

 

Read more...