Magnitude 4.4 na lindol yumanig sa Davao  Occidental

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 3:42 ng madaling-araw ng Linggo.

Nasukat ang lindol sa layong 107 kilometro  Timog-Silangan ng bayan ng Saranggani.

May lalim ito na 82 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang intensity sa nasabing lindol.

Read more...