Isang milyong doses ng Sinovac vaccines, darating sa Pilipinas sa June 6

Karagdagang isang milyong doses ng COVID-19 ng Sinovac sa China ang darating sa bansa bukas, Hunyo 6.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana inihahanda na at sinusuri na ng embahada ang mga bakuna.

Ayon kay Sta. Romana, ito ang kauna-unahang shipment para sa buwan ng Hunyo.

Asahan na aniya na may karagdagang shipment pa ng mga bakuna sa susunod na linggo.

Sa ngayon, nasa 8.3 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.

Sa naturang bilang, 5.5 milyong doses ang gawa ng Sinovac.

 

Read more...