Margielyn Didal pasok na sa Olympics

 

Pasok na sa Olympics na gaganapin sa Japan sa Hulyo ang 22 anyos na Pinay skater na si Margielyn Didal.

Ito ay matapos makakuha ng slot si Didal nang lumahok sa World Skate Championships sa Rome, Italy.

Bagama’t  bigo na makapasok sa finals, qualified naman na si Didal sa Olympics.

Nakalaban ni Didal ang world no. 12 na si Yumeka Oda, no. 3 na si Momiji Nishiya, at  no. 8 na si Roos Zwetsloot.

Si Didal ay nasa ika-13 puwesto sa world ranking.

Naging kilala si Didal matapos manalo ng gold medal sa 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

 

Read more...