Ayon sa Department of Health Center for Health Development – Caraga, base ito sa pinakahuling resulta ng Whole Genome Sequencing (WGS) na natanggap mula sa University of the Philippines-Philippine Genome Center.
Sa mga sample na nasuri, 13 samples ang nagpositibo sa B.1.351, unang na-detect sa South Africa; pito sa B.1.1.7, unang na-detect sa UK; at isa sa P.3, unang na-detect sa Pilipinas.
Naitala ang mga kumpirmadong B.1.351 case sa (Bislig City (7); Lianga, SDS (4); Cortes, SDS (1); at Tandag City (1).
Para naman sa B.1.1.7 cases, naitala ang naturang COVID-19 variant sa Barobo, SDS (2); Butuan City (2); Esperanza, ADS (1); Lianga, SDS (1); at Madrid, SDS (1).
Isang residente naman ng Tandag City ang tinamaan ng P.3 variant case.
Base sa inisyal na imbestigasyon sa 21 variant cases, 13 ang walang travel history sa labas ng kanilang lugar habang walo naman ang close contact ng mga nakaraang kumpirmadong kaso.
Sa ngayon, sa 21 kaso, 18 ang asymptomatic habang isa ang nagpapagaling sa bahay.
Dalawang kaso naman ng B.1.351 variant ang nasawi at naka-admit sa ospital ang isang kaso sa Bislig City at isa pa sa Cortes, SDS.
Mahigpit namang nakikipag-ugnayan ang DOH CHD-Caraga ang local health authorities para sa pagpapatupad ng mandatory quarantine at control measures laban sa COVID-19.