Ibinahagi ni Poe na ang mga second-hand na Japanese bike ay maaring mabili ng P2,500 hanggang P3,000 at para sa mga ordinaryong trabahador, hindi kakayanin ang naturang halaga.
Maari namang gamitin ng gobyerno ang P1.3 bilyong pondo sa Bayanihan 2 para ipambili ng mga bisikleta at ipamahagi ang mga ito sa mga mahihirap na manggagawa.
Kapag may bisikleta, aniya, hindi na makikipagsisikan ang mga trabahador sa mga pampublikong sasakyan.
“Kesa pera, pwede kasi ibang klaseng CCT—Cycles for Citizens Transfer—na mas mainam. Nakatanggap ako ng sulat mula sa isang manggagawa na nagsabing ang kailangan nila ay ibang 4Ps, na tinawag niyang “Pedal Project sa Panahon ng Pandemya,” paliwanag pa ni Poe.
Batay sa datos, ang Pilipinas ay may 2.1 milyong unit ng imported na bisikleta noong 2020, doble ito sa 1.1 milyong unit na naitala noong 2019.