Base sa inilabas na pahayag, sinabi ng weather bureau na pumasok na ang panahon ng tag-ulan kasunod ng pagdaan ng Bagyong Dante at naranasang malawakang pag-ulan sa nakalipas na limang araw.
Sinabi ng weather bureau na patuloy na mararanasan ang intermittent rains bunsod ng Southwest Monsoon sa Metro Manila at Kanlurang bahagi ng bansa.
Mataas din ang posibilidad na umiral ang “above normal rainfall conditions” sa susunod na dalawang buwan o hanggang Hulyo.
Tiniyak ng PAGASA na patuloy nilang tututukan ang lagay ng panahon.
Inabisuhan din ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng precautionary measures laban sa maaring epekto ng rainy season.
MOST READ
LATEST STORIES