Cayetano, ikinokonsidera ang pagtakbo bilang pangulo o ibang posisyon sa 2022 polls

Photo grab from Rep. Alan Peter Cayetano’s Facebook video

Inihayag ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na ikinokonsidera niyang tumakbo sa pagka-Pangulo o ibang posisyon sa 2022 elections.

“Iam seriously considering running for President or for other positions but I am really praying and discerning about it,” pahayag nito.

Sa ngayon, nakatutok ang dating House Speaker upang mapasa ang panukalang “P10-K Ayuda Bill” at sa pagbuo ng 5-year plan.

“So I think anyone and everyone who is qualified and could be a good president should now contribute in putting together a five-year plan para kahit sinong manalo, at least may plano na ‘yung ating bansa,” saad ni Cayetano.

Nang tanungin naman kung ano ang kaniyang pananaw sakaling may lumapit sa kaniya para sa susunod na eleksyon, sagot nito, “Anything naman is possible ang sabi ko lang, masyado lang seryosong usapan ang 2022 [elections] na hindi pwede ang usapan na ito ay usapan lang na pulitika. So for example, anyone who ask me for my support or if I will them for the support, nakapa-importante na ipakita natin na duable ‘yung plano at may plano.”

Matatandaang si Cayetano ang naging running mate ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Read more...