Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at iginiit niya na mali ang pagkakaiintindi ng BIR sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
“Yung title pa lang ng batas, malinaw na kung ano ang intensyon nito: corporate recovery and tax incentives. So how can the BIR invoke it to inflict a 150 percent increase on the income tax of private schools, which is directly opposite to what the law clearly intends?,” tanong ng senador.
Paliwanag niya, layon ng batas na tulungan pa ang namimiligrong private schools at ang resolusyon ng BIR ay lalo pang magpapalubog sa mga paaralan.
Dapat aniya pinag-aralan muna nang husto ng kawanihan ang batas at kinonsulta ang records sa Senado para hindi sila pumalpak sa interpretasyon.
“The bill corrects the ambiguity caused by a missing comma. It is an editorial correction to probably satisfy some grammar police. But in applying taxes, let the intent be the primordial consideration. One missing comma should not cause misery to many,” sabi ni Recto patukoy sa resolusyon ni Sen. Sonny Angara na ang layon ay bigyan linaw ang batas para sa BIR.