Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, nakapasok na muli ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong 4:00 ng hapon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 210 kilometers Kanluran Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes o 185 kilometers Kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Silangan sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sa ngayon, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes.
Patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong Hilagang-Silangan.
Base sa forecast track, inaasahang lalapit ang bagyo o tatama sa kalupaan sa bisinidad ng southern Taiwan, Biyernes ng gabi (June 4).
Ayon sa weather bureau, inaasahang tuluyan nang lalabas ang bagyo ng PAR sa Sabado ng hapon, June 5.