6 patay, 3 nawawala bunsod ng Bagyong #DantePH

PCG photo

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi bunsod pananalasa ng Bagyong Dante, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa huling datos ng NDRRMC, nasa anim katao na ang nasawi, tatlo ang nawawala habang dalawa ang sugatan sa bahagi ng MIMAROPA, Regions 6, 7, 8, 11 at 12.

Sa MIMAROPA, Region 12, Caraga at BARMM, may naitalang tatlong maritime incident, tatlong insidente ng landslide, pitong pagbaha, isang river swelling, isang river scour, at tatlong flashflood at soil erosion.

Aabot naman sa 12,260 pamilya o 55,226 indibiduwal ang apektado sa 177 barangay sa MIMAROPA, Regions 6, 7, 8, 11 at 12 at Caraga.

Sa nasabing bilang, 4,439 pamilya o 16,680 katao ang pansamantalang nakatira sa 140 evacuation centers.

Samantala, 23 road sections at apat na tulay ang naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng CALABARZON, Regions 7, 8, 11, 12 at Caraga. Sa ngayon, hindi pa maaaring daanan ng mga motorista ang dalawang kalsada at tatlong tulay.

May 18 probinsya naman sa MIMAROPA, Region 3, 5, 6, 7, 8 at Caraga ang nakaranas ng power interruption dahil sa bagyo.

Sinabi pa ng NDRRMC na 12 bahay ang napaulat na nasawi sa Regions 6, 8, at 11 kung saan tatlo ang totally damaged habang siyam ang partially damaged.

Sa ngayon, nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Read more...