BREAKING: Active cases ng COVID-19 sa bansa, nasa 60,000; 7,217 ang nadagdag

Mahigit 7,000 muli ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (June 4), pumalo na sa 1,255,337 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 60,794 o 4.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,450 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.0 porsyento ang asymptomatic; 1.19 porsyento ang moderate; 1.6 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 181 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 21,537 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,382 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,173,006 o 93.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...