Sa final monitoring report ng Department of Education (DepEd) hanggang 5:00, Martes ng madaling-araw (June 1), umabot sa 4,557,435 na mag-aaral ang nakapagparehistro sa buong bansa.
Sakop nito ang ilang estudyante sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11.
Naabot nito ang 99 porsyentong turnout kumpara sa naitalang datos noong 2020.
Lumabas din sa datos na naitala ang pinakamataas na bilang ng rehistradong mag-aaral sa Calabarzon na may 480,709; sumunod ang Region 7 na may 405,001; at Region 6 na may 387,152.
Natapos ang early registration noong May 31, 2021.
MOST READ
LATEST STORIES