Sa promulgation of judgement ng 4th Division ng anti-graft court ay “acquitted” si Sabio sa kasong graft at dalawang bilang ng Malversation of public funds.
Nag-ugat ang kaso sa nawawalang P5 milyon na bahagi ng pondo ng PCGG.
Pero sa pagsusuri ng Sandiganbayan, nabatid na hindi naman talaga nawala ang naturang halaga kundi nagkaroon lamang ng pagkakamali sa pagbalanse o pagkwenta sa pondo ng ahensiya.
Si Sabio na personal na humarap sa hukuman sa sala ni Justice Jose Hernandez nang siya ay basahan ng hatol.
Samantala, nagpasalamat naman si Sabio sa naging hatol ng korte.
Aniya, ang kaso laban sa kaniya na isinampa ng kasalukuyang administrasyon limang taon na ang nakalilipas ay nagdulot ng pinsala sa kaniyang kalusugan, kung saan siya ay naging paralitiko.
Inasahan na rin umano niya ang hatol ng anti-graft court sa kanyang mga kaso dahil wala naman daw siyang maling ginawa sa Gobyerno.
Bagkus ay tumulong pa siyang magsilbi sa pamahalaan, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay may naipanako siyang kaso sa Federal Supreme Court sa Amerika na mismong ang Chief Justice ang Humatol.