Isinailalim sa kostodiya ng Kamuning Police station ang anim na babae nang ireklamo sila ng isang tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na tumangging ibigay ang kaniyang pagkakakilanlan.
Sa kwento ng 23-anyos na tanod, nilapitan siya at ang kaniyang dalawa pang kasama ng mga babae sa bahagi ng foot bridge sa Cubao, Quezon City at inalok sila ng panandaliang aliw.
Ang unang alok aniya ng mga babae ay P300 kada isa.
Ayon sa nagreklamong tanod, siya ang nagbayad ng lahat ng P300 kada isang babae, pero hindi siya naserbisyuhan ng sinuman sa mga ito.
Tanging ang dalawang kasama niyang lalaki ang nakinabang umano, habang siya ay bigong makakuha ng serbisyo.
Dahil dito, nagpasya ang tanod na magreklamo sa pulisya.