Magsisimula ang road repair sa 11:00, Biyernes ng gabi (June 4).
Ayon kay DPWH – National Capital Region (NCR) Director Eric Ayapana, kasabay ng pag-apruba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), itutuloy ang aktibidad sa bahagi ng northbound direction ng EDSA, malapit sa corner Kaingin Road.
Aayusin ang bahagi ng C-5 Road simula pagkatapos ng Rajah Matanda, ikatlong lane mula sa sidewalk; pagkatapos ng Highland Drive, ikalawang lane mula sa sidewalk; at Shuster Street, ikalawang lane mula sa sidewalk.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw, June 7.