129 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19a

Nasa 129 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (June 4), 24,491 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,635 ang aktibo pang kaso.

154 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 22,789 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 67 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...