Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 172,912,236 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,174,752 cases.
Sumunod na rito ang India na may 28,574,350 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 16,803,472 naman ang kaso sa Brazil habang 5,694,076 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,270,299
– Russia – 5,099,182
– United Kingdom – 4,499,878
– Italy – 4,225,163
– Argentina – 3,884,447
– Germany – 3,701,690
– Spain – 3,693,012
– Colombia – 3,488,046
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,717,333 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 155,847,677 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.