Tatakbo si Manila Mayor Isko Moreno sa 2022 national and local elections.
Pahayag ito ni Mayor Isko matapos ibunyag ng Palasyo ng Malakanyang na isa siya sa mga napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte na iindorsong kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.
Pero ayon kay Mayor Isko, pag-aaralan pa niya kung anong posisyon ang kanyang susuungin.
Ayon kay Mayor Isko, sa ngayon, busy siya sa pagka-mayor ng Maynila.
Ayon sa alkalde, mayroon siyang obligasyon sa mga taga-Maynila na pagsilbihan sila.
Sinabi pa ni Mayor Isko nan aka-focus muna siya sa kanyang trabaho bago pagdesisyunan kung tatakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.
Ayon kay Mayor Isko, magpapaalam din muna siya sa mga taga-Maynila kung tatakbo sa ibang posisyon.
Kung tatakbo man si Mayor Isko, ito ay base aniya sa sariling desisyon at hindi dahil sa inindorso ng sinumang pulitiko.
Ayaw ni Mayor Isko na maging kandidato ng isang grupo o kulay ng pulitika dahil magdudulot lamang ito ng pagkakahati-hati.
Ikinukunsidera rin ng 1Sambayanan coaltion si Mayor Isko bilang isa sa mga posibleng kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.