Blacklisted na Chinese companies sa US pinahaba pa ni President Biden

Reuters photo

Dumami pa ang mga kompaniya na pag-aari ng Chinese ang nakasama sa ‘blacklist’ ng US government.

Magugunita na noong nakaraang Nobyembre sa ilalim ng dating administrasyong Donald Trump, ang listahan ay may 39 Chinese companies.

Nang maupo sa puwesto, pinasuri naman ni US President Joe Biden ang listahan at nabatid na may mga natanggal ngunit marami ang nadagdag at umabot sa 59 ang nakalista.

Ipinagbabawal ang mga Amerikano na makipag-negosyo sa 59 kompaniya, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ‘military industrial complex’ ng China at nagbibigay suporta sa puwersang militar ng naturang bansa.

Kabilang sa mga nasa listahan ang mga kompaniya na sangkot sa surveillance technology at  pang-aabuso sa mga karapatang-pantao, na nakakaapekto naman sa isyung pang-seguridad ng US at kanilang mga kaalyadong bansa.

Read more...