Bilang ng nabakunahan vs COVID-19 sa Maynila, nasa 283,318 na

Umabot na sa 283,318 ang kabuuang bilang ng mga nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Batay ito sa huling tala ng Manila Health Department (MHD) hanggang 3:30, Huwebes ng hapon (June 3).

Sa nasabing bilang, 202,788 ang naturukan ng first dose ng bakuna habang 80,530 namang ang second dose.

Nasa 3,076 naman ang naibigay na bakuna para sa araw ng Huwebes, kung saan 2,874 ang first dose at 202 ang second dose.

Patuloy pa ring hinihikayat ni Mayor Isko Moreno ang mga kabilang sa priority groups na magpabakuna na.

Narito ang link kung saan maaari mag-register:
www.manilacovid19vaccine.ph.

Read more...