Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, kukunin ang pondo sa Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP).
Ilalaan ang naturang pondo para sa rehabilitasyon at pagpapabuti ng mga kalsada at tulay sa probinsya.
Oras na makumpleto ang kinakailangang documentary requirements, direkta aniyang ibibigay ang pondo sa mga sumusunod na probinsya:
– Ilocos Norte
– La Union
– Apayao
– Benguet
– Mountain Province
– Nueva Ecija
– Pampanga
– Tarlac
– Laguna
– Western Samar
– Davao Occidental
– Dinagat Islands
– Agusan del Sur
Hinikayat ni Malaya ang mga provincial governor sa mga nabanggit na probinsya na madaliin ang pagsumite ng kanilang Detailed Engineering Designs (DEDs) na nakasunod sa DPWH standards, Good Financial Housekeeping (GFH) component ng DILG-SGLG, at pinakahuling DBM-validated PFM Improvement Plan (PFMIP) sa Department of Budget and Management (DBM).
Tiniyak din nito sa provincial local government units (LGUs) na patuloy na maghahatid ng technical assistance ang kagawaran sa gagawing CMGP projects.