Lola na binaril ng pulis sa Quezon City, tatlong beses nang kinasahan

PNP photo

Tatlong beses nang kinasahan ng baril ni Police Master Sergeant Hensie Zinampan si Lilibeth Valdez.

Si Zinampan ang nasa viral video na binaril si Valdez sa leeg noong Mayo 31 sa Quezon City dahil lamang sa alitan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eduardo Cortes, live-in partner ni Lilibeth na noong Miyerkules lamang, Mayo 26, pinasok sila sa loob ng bahay ni Zinampan at pinagbantaan na babarilin.

Pakiusap ni Cortes kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi sana payagang makalabas ng kulungan si Zinampan.

Dapat aniyang pagdusahan ng pulis ang krimen.

Bumisita rin sa burol Miyerkules ng gabi, June 2, si PNP Chief Guillermo Eleazar.

Ayon kay Cortes, nangako si Eleazar na bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang live-in partner.

Read more...