BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa 55,000; 7,217 ang nadagdag

Mahigit 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (June 3), pumalo na sa 1,247,899 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 55,790 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,217 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.0 porsyento ang asymptomatic; 1.27 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 199 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 21,357 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,483 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,170,752 o 93.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...