‘Finishing touches’ para sa seguridad sa eleksyon, ilalatag na ng NCRPO

 

Pinaplantsa na lamang ngayon ng NCRPO ang kanilang security plan para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Sa isinasagawang Joint Security Control Conference kanina sa QC na dinaluhan ng lahat ng chief of police at district director sa Metro Manila, isang isang iprinisinta ng mga hepe ang kani-kanilang security plan sa knilang lugar.

Dumalo rin sa conference ang mga kinatawan ng COMELEC AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at ilang private organization.

Ayon kay NCRPO Chief PDir Joel Pagdilao, bagaman 100 percent na silang handa para sa halalan kailangan pa rin nilang plantsahin ang ilang detalye nito.

Partikular na rito ang ilalatag na seguridad sa gagawing pagbyahe ng mga vote counting machine mula sa Laguna hangang sa mga itinalagang presinto sa Metro Manila.

Read more...