Muling ibinasura ng Korte Suprema ang ikalawang apela ni dating Senador Francisco ‘Kit’ Tatad na layon sanang ipabaligtas sa Korte Suprema ang naunang hatol ng korte na pahintulutang tumakbo bilang presidente si Senador Grace Poe.
Hindi na idinaan ng mga mahistrado sa botohan ang ikalawang mosyon ni Tatad dahil sa kawalan ng merito. Una rito, unang inilabas ng SC ang desisyon tungkol sa pagpabor kay Poe noong March 8.
April 5 naman nang maghain si Tatad ng kanyang unang apela na ibinasura ng mga mahistrado.
Ayon sa Korte Suprema, hindi na pahihintulutan ang paghahain ng ikalawang mosyon sa mga pinal na desisyon kung wala namang ‘special circumstances’ na napapaloob dito.
MOST READ
LATEST STORIES