Sa walong beses na pagtama sa kalupaan ng Visayas at Luzon ng bagyong Dante, napinsala ng epekto nito ang P268.52 milyong halaga ng mga kalsada at flood-control structures, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon pa kay Sec. Mark Villar nagpalabas na sila ng kanilang 270 kagamitan at 1,569 tauhan para magsagawa ng clearing operations.
Aniya may mga kalsada pa sa mga lalawigan ng Cebu, Eastern Samar at Agusan del Sur pa nadadaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa baha, pagguho ng lupa at banta ng landslides.
Nabanggit na sa Region 12 ang may pinakamataas na halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at istraktura na inilagay sa P162.2 milyon at sa Region 7 naman ay higit P106 milyon.
MOST READ
LATEST STORIES