Humihiling ang bansang Indonesia sa Pilipinas na maglunsad ito ng joint maritime patrol sa mga karagatang nasa pagitan ng 3 bansa.
Ito’y sa gitna ng serye ng pagdukot sa 14 na Indonesian at apat na Malaysian kamakailan ng mga grupong may koneksyon sa Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Tatang Sulaiman, tagapagsalita ng Indonesian Military, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga Malaysian at Philippine counterparts upang mailunsad ang mga ‘coordinated patrols’.
Nagpadala na rin aniya ang Indonesia ang dalawang warship sa lugar kung saan naganap ang mga pagdukot.
Malaki aniya ang maitutulong nito upang masawata ang mga insidente ng kidnapping sa mga karagatan.
Sa kasalukuyan, batay sa pinakahuling data, bukod sa mga Indonesian at Malaysian at Pilipino, hawak rin ngayon ng mga Abu Sayyaf members ang isang taga- Netherlands, isang Norwegian, dalawang Canadian at isang Japanese.