Kinatigan ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon noong 2015 na pagbayarin ang gobyerno ng Pilipinas ng nalalabing $267-milyon sa Philippine Air Terminals Company Inc. (PIATCO).
Ito’y bilang ‘just compensation’ sa PIATCO sa konstruksyon ng NAIA Terminal 3.
Bahagi rin ng nasabing kautusan na iturn-over ng PIATCO ang full ownership ng NAIA Terminal 3 sa pamahalaan sa oras na mabayaran na nito ang naturang halaga.
Sakaling hindi pa mabayaran ang kabuuang halaga, papatungan ito ng ng anim na porsiyentong interes kada taon.
Bukod sa $326 million, pinagbabayad din ng Kataas-taasang Hukuman ang pamahalaan ng karagdagang $3.5 million biilang dagdag na bayad sa mga Board of Commissioners na nagdetermina ng halagang dapat na bayaran ng gobyerno sa PIATCO.