Liderato ng Kamara ibinida ang mga naipasang panukala, resolusyon sa pagtatapos ng 2nd regular session ng 18th Congress

 

Sa pagtatapos ng second regular session ng 18th Congress, ibinida ni Speaker Lord Allan Velasco ang mga naipasang panukalang batas.

Sa kanyang talumpati, binanggit ni Velasco ang mga panukala na makatutulong aniya upang maibsan ang epekto ng pandemya sa mga mamamayan at ekonomiya.

Hanggang June 1, naipasa ng Kamara ang 91 batas. Sa nasabing bilang, 56 ang pirmado na ni Pangulong Duterte.

Samantala, nasa 665 panukala naman ang naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa, habang 192 mga resolusyon ang in-adopt ng Kamara.

Magbubukas ang third regular session, kasabay ng huling State of the Nation Address ng Pangulo, sa July 26.

Read more...