Bilang ng napauwing overseas Filipinos sa bansa, nasa 401,831 na

Tuluy-tuloy pa rin ang repatriation efforts ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa gitna ng pandemya dahil sa COVID-19.

Sa huling tala hanggang May 30, 2021, umabot sa 401,831 overseas Filipinos ang napauwi sa repatriation efforts ng kagawaran.

Sa nasabing bilang, 105,488 ang seafarers habang 296,343 naman ang land-based overseas Filipinos.

Kabilang sa mga nakauwi ang overseas Filipinos mula sa Cambodia, Myanmar at Thailand.

Balik-Pilipinas na rin ang ilang undocumented OFs sa China at Malaysia at medical repats mula sa Bahrain, Chile, Australia at South Korea.

Siniguro ng kagawaran na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga Filipino na stranded sa ibang bansa dahil sa COVID-19 travel restrictions.

Matatandaang nagsimula ang repatriation efforts ng kagawaran noong Pebrero ng taong 2020.

Read more...