Panukalang pagpapalawig ng validity ng Bayanihan 2, aprubado sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapalawig sa validity ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Layon ng House Bill No. 9538 na gawing hanggang December 31, 2021 na ang bagong validity ng Bayanihan 2.

Matatandaang nilagdaan noong Enero ang pagpapalawig ng validity nito hanggang June 30, 2021.

Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na naipamahagi na nila ang pondo sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno.

Read more...