Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5 na lindol

Mula sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang ilang bahagi ng Davao oriental kaninang madaling-araw.

Naitala ang episentro ng lindol sa karagatan sa layong 16 kilometro northeast ng Cateel, Davao Oriental.

Naitala ang Intensity 4 na pagyanig sa bayan ng Bislig, Surigao Del Sur

Samantala, intensity 2 naman ang naitala sa Cagayan De Oro City.

Wala namang iniulat na pinasala dulot ng paggalaw ng lupa sa naturang lugar.

Bagamat inaasahang makakaranas ng mga aftershocks, hindi naman ito inaasahang sinlakas ng naunang pagyanig.

Read more...