Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong #DantePH, umabot sa P14.6-M

Umabot sa P14.60 milyon ang halaga ng natamong pinsala sa agrikultura dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) bandang 11:00 ng umaga, nasa 500 metric tons at 616 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan sa SOCCSKSARGEN at Caraga Region.

Tinatayang P13.1 milyong halaga ng bigas ang napinsala habang P1.45 milyon naman ang mais.

Sinabi ng kagawaran na 477 magsasaka ang apektado ng naturang bagyo.

Siniguro ng DA na aasistihan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Magbibigay din ng bigas, mais at iba’t ibang vegetable seeds sa mga tinamaang rehiyon.

Ayon pa sa kagawaran, magbibigay ng drugs at biologics para sa livestock at poultry needs.

Nakahanda din ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at mayroong pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga apektadong magsasaka.

Read more...