Higit 3,000 pasahero, stranded pa rin sa mga pantalan dahil sa #DantePH

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Bunsod pa rin ito ng Bagyong Dante.

Sa maritime safety advisory hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (June 2), stranded pa rin ang 3,186 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol.

Maliban dito, stranded din ang 240 vessels, 58 motorbancas at 586 rolling cargoes sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, nakararanas ng rough to very rough sea condition sa Bicol habang moderate to rough naman sa Northeastern Mindanao.

Nasa moderate to heavy naman ang lagay ng karagatan sa Southern Tagalog at Central Visayas habang light to moderate sa Eastern Visayas.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Read more...